Hello Tumblr people.
Im back.
Ill start posting again.
Ang una kong ginawa bago isulat ang nilalaman ng blog na ito ay mag-translate. Isinalin ko sa tagalog ang salitang “SPONGE”, sabi ni pareng google, “espongha” and direktang translasyon nito sa tagalog.
Bakit “ESPONGHA”?
Siguro naman kahit sino sa atin ay kilala ang yellow creature under the sea. Siya ay nagtatarabaho bilang isang fry cook sa tindahan ng burger. Siya ay nakatira sa loob ng pinya sa ilalim ng dagat. At higit sa lahat may alaga siyang suso ( snail ), na ang pangalan ay Garry (WTF, that name ignites me) na walang alam sabihin kundi “MEOW” kahit suso ( snail )sya.
Oo. Alam kong kilala mo na siya, siya si Spongebob Squarepants.
Pero hindi lamang sa kanya iikot ang mga mababasa mo dito. Pati ung mga taong nakapaligid at palagi niyang kasama. Naisip ko lang bigla na lahat ng character sa cartoons na ito ay parang may katulad na ugali sating pilipino.
Lets get going …
Spongebob Squarepants
Sponge ( or ‘underwater’ sponge)
Siya ang bida. Kasi siya ung nasa title. Optimistic and energetic, yan daw ang dalawang traits na mag-de-describe sa kanya. Oo, isang malaking oo, lahat tayo ay likas na masayahin. Kahit ako, madalas na tawa ang ginagamit ko para matapos ang buong araw. Itinatawa ko na lang ang mga problema. Sabi nga ni Manong Isaw, “Grimming face will never attract costumers” (inenglish ko lang pero tagalog un.).
Tunay, kapag sinalubong mo ang araw ng nakasimangot, simangot din ang ibibigay niya. Buti na lang t likas taung masiyahin, kahit na hirap na, sadlak na sa dusa ay nagagawa pa rin nating ngumiti.
Patrick Star
Starfish
Tanga.
Hindi ko masisisi si Stephen Hillenburg kung bakit ganon si Patrick, dahil wala talagang utak ang mga starfish.
Marami sa atin ang tanga ( I also include myself ), minsan hindi na natin ginagamit ang utak natin. Mas pinapahalagahan natin ang bagay na di magtatagal ay lilipas. Mas pinapahalagahan natin ang pera kahit na ni minsan ay hindi nito mabibili ang kasiyahan.
Nakakaadwang isipin, bakit natin ihinahalal ang mga opisyal na sa huli ay pipilitin din nating paalisin sa pwesto?
Hanggang ngayo, hindi ko parin lubos maisip ang mga ganung pangyayari sa bayan. At higit dito, palaging isinisisi sa opisyal o pangulo (to be exact )ang di pagunlad ng bansa. Siguro marami pa rin akong hindi alam, pero iyon ang labis na nagpapagulo sa utak ko.
Marami ring tanga satin sa paggamit ng puso (sige, silaban mo ako kung mali ako) pilit na isinisik-sik ang sarili sa taong kahit kailan ay hindi ka natutunang mahalin. We tend to love people with closed eyes, hndi na nakikita ng nakakararami kung kailan sila titigil namahalin ang isang tao.
Isipin niyo, kahit baligtarin mo ang mundo, ibigay mo ang lahat ng materyal na bagay sa mundo o mag-bungee-jumping ka sa Niagra Falls, kung hindi ka naman talaga mahal ng isang tao wala kang mgagawa. Hindi mo kayang diktahan ang puso.
(tama na muna ang usapang LOVE, saka ko na ieelaborate yan)
pero kung may gusto akong sabihin sa chapter na ito, sana gamitin natinang utak natin.
Squidward Tentacles
Squid
Siya yung tipo ng creature na gustong napapansin ang kagalingan, gusto niya na palaging payapa ang kapaligiran, wala syang pakielam sa paligid niya basta nagagawa niya ang gusto niya.
Marami sa atin ang ganito, basta magawa lang nila ang para sa kanila, hindi na nila iniisip ang nasa paligid niya. Mahirap pakisamahan ang mga ganitong tao. Madalas na iniisip lang niya ang ikabubuti niya.
Politicians ang kadalasang ganito ang ugali. Sa harap ng maraming tao, kapitagpitagan sila pero sa likod nito kulang na lang ay iuwi sa bahay nila ang sako ng pera.
“Money is the root of all evil”
Sandy Cheeks
Squirrel
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung pano napadpad ang isang squirrel sa ilalim ng dagat.
Masaya siyang kasama, friendly. Pero siya ay mahilig sa Kung-Fu.
Tama, marami sa pilipino ang marahas. Maraming tao ang napapadali dahil sa simpleng alitan pero ginamitan ng baril. Kahit kailang hindi ko inilagay sa sarili ko na gumamit ng dahas, sino ako para bumawi ng buhay o manakit?
Madadaan naman sa usapan bakit dinaan sa barilan?
Eugene Crabs
Crab
“Money! Money! Hand me that precious money”
Siguro nga nabulag na siya sa pera. Kung sa bagay, dahil sa pera may kinakain tayo. Dahil sa pera may natitirahan tayo. Dahil sa pera nakakapagaral tayo. Pero minsan ba naitaong mo na kung magkano ang kasiyahan? ang pananampalataya? e ang buhay?
Siguro nga nabubulag ang tao sa pera. Dahil naibibigay nito ang mga pangagailangan natin, pero madalas ay inaabuso na rin natin ang pera.
Maraming nakulong kahit walang kasalanan, dahil sa nakabangga nila ang labis na makapangyarihang tao.
Tama ba ako?
Siguro marami pang mga tinga sa utak ko na hindi ko nailagay dito. Binigyan ko lang kau ng insight para maisip din yung mga perspective ko. Salamat sa pagbabsa kapatid.
Any comments or reactions? write it in my wall (FB).
perpetual0011@yahoo.com
25 Hours, coming soon.
Kahapon ay field trip namin.
HAHA.
By 3:30am i woke up, habang naliligo ako nagluluto ang aking “rockstar” mom. Kahit may tugtog lang kami at wala namang mabuting madudulot un sa grades ko bumabangon pa rin sya ng maaga para makita ako bago umalis nang aming line of territory. Hidi pa un masisiyahan, magtetext pa. *rock and roll*
Past 4am na nang dumating ako ng FAIth. Madilim, walang tao at umuulan. Ang tanging laman lang ng isip ko noo’y, “Anung mangyayari sa araw na to?”. Past 6am nung umalis kami.
Pinahanga ako ni Kuya Lino ( a.k.a. “The Tour Master” ), panis ang learning ko sa alam niya tungkol sa History. Tingnan natin kapag Philosophy na ang pinakusapan.
Let’s talk about serious matters.
Bureau of Correction, New Bilibid Prison
Muntinlupa City
Mahabang oras ang iginugol namin sa loob nng bus bago makapasok sa loob ng Bilibid.
Habang nasa harapan kami ng gate ng R.D.C., isang pakiramdam na hindi ko maintindihan ang bumabalot sa akin. Mabigat, ito ang pinakatumpak na salitang magbibigay kahulugan dito.
Nang pumasok na kami sa loob, tanging mga lalaking naka-asul na damit lang ang nakatingin samin. Sila ang mga inmates, o sa tagalog bilanggo.
”Do good and avoid evil”
Yan ang palagi kong iniisip habang nakasakay ng jeep bago pumasok ng paaralan. People are unconsciously doing evil things. Sabi ng pari sa loob ng seminaryo, kahit seminarista ay nakakagawa ng mali, sapagkat kayo ay tao.
Takot ang sumalubong samin. Alam kong mga taong halang lamang ang kaluluwa ang naririto, maaring ang kamay na iniaabot sa amin para makipag kamay ay ginamit na para pumatay, gumahasa, magnakaw at manira ng buhay.
“Makalabas pa kaya kami ng buhay?”
Pero mukhang napatunayan ko nanaman ang isa sa mg ideolohiya ko, “The only constant thing in this world is change” ( Ang tanging bagay laman sa mundo na hindi nagbabago ay pagbabago ). Tama, kaya nga tinawag itong “CORRECTIONAL”, para malaman nila at pagsisihan ang mga mali nilang nagawa. Masaya, pinawi ng sayang ito ang takot na nagsusumigaw sa likod ng utak ko. Tao sila, marami sa kanila ang pinagsisihan ang mga nagawa nila. Marami ang naituwid na ang baluktot nilang isipan.
Pero bakit may mga kriminal pa rin na mas halang pa ang kaluluwa sa kanila ang malayang ginagawa ang mga maling bagay? Kelan pa sila maikukulong sa dahil sa kasalang pangungupit kay Juan?
Golden Acres
Quezon City, Metro Manila
Callous conscience - denotes the deadening of sensibilities
Kung may lugar akong hindi kinaya, ito yun.
Bukod sa nanununtok na amoy sa loob, ang makikita mo ang mas matindi. Parang tunutunaw ang puso at damdamin ko habang iniikot ang cottages nila. Tila hindi lang sakit ng katawan ang unti-unting pumapatay sa kanila, kundi kalungkutan. Ang sakit makita ang sitwasyon nila.
Nais umapaw ng mga luha sa mata ko. Mama’s Boy ako, kaya kahit kailan hindi sumagi sa isipan ko ang gawin kay “rockstar” mom.
For those who are left, let’s pray to the Lord.
Kulturang Pinoy
( somewhere in Manila, forgive me for forgetting the location )
Hindi ito ang unang beses kong narating ang lugar na ito.
(Again) nakitako ulit ang mga kultura ng Pilipinong tulad ko, sana e wag tayong maging westernized masyado. Studying their culture is good, but patronizing them is intoxicating.
Mall of Asia
Sunset Avenue, Pasay City
Dapat ipagmalaki kasi masyadong malaki. tama? Tinibag nila ang ilang bundok para gawing kapatagan ang parte ng dagat. Siguro ay praktikalidad ito, pero para sa akin misuse ang pangyayaring iyon.
Habang ang mga tao’y napapagod libutin ang lugar na lustayan ng pera, ilang tao ang napapagod para kumita ng pera.
Habang ang ilang tao ay pumuputok ang tiyan sa kabusugan, ilang tao ang halos mamatay sa gutom.
Hindi naman sa ayoko sa MOA, yun lang ang irony ng buhay.
Gumala di kasi ako. :)
Mahaba ang araw na iyon. Maraming nagyari, marami ang dumaan.
Pero sabi nga ng isang tao na tinulungan ni Patch ( Patch Adams starring Robin Williams, 1998 ) “Look beyond”.
“One sees clearly only with the heart. What is essential is invisible to the eye.”
Sabi nga sa The Little Prince. Depende sa kung paano mo inilagay sa utak mo ang lahat ng nangyari sa araw na iyon. Para sa akin ang araw na iyon ay (TITLE OF THIS BLOG)
Comments? Suggestions? Rants?
Please post on my wall in Facebook.
perpetual0011@yahoo.com
“ad maiorem dei gloriam
Biernes
2:14pm
Tertiary Library
Natapos na naman ang mahabang umaga.
Nasasadlak ako sa sa gitna ng mahabaang daan.
Hinahati ng liwanag ang pagitan ng walang hanggan.
Yari’y binabalot ng kalungkutan ang aking kinatatayuan.
Nakabibingiung katahimikan ang patuloy na nagpapahirap sa bawat paghiga.
Patuloy ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Patuloy ang pagdaan ng mga tao.
Ano ang gagawin ko? Anung hinihintay ko?
Hanggang kailan ako magkakaganito?
Mahirap. Mainit. Walang hanggan.
Hanggang ngayon hindi ko alam ang aking pupuntahan.
Hanggang kailan papatak ang luha ng aking kalungkutan?
Kailan ko ulit mararanasann ang bagay na tinatawag nilang kasiyahan?
Hindi ako magdarahop. Hindi ako hahadlang. Kahit abutin man ako ng kailanman.
Hanggang kailan kita iibigin? Hanggang kailan kita hihintayin?
Ang kalaban ko’y pagod ng damdamin.
Labis kong kinakatakot ang pagdating ngsandaling natutunan mo na akong mahalin habang patuloy na lumalayo sa’yo ang aking damdamin.
Hindi ko maitatatwa na lahat ng bagay any nagbabago.
Pilit man pigiliy’ tila kahibangan.
Para mo na ring pinigil ang hangin na umalpas sa kawala.
Hindi sapat ang papel at tinta para isulat yaring nadarama.
Tila dugo na ang pumapatak sa aking harapan.
Nais kong pigilan ang aking labis na kalungkutan.
Hanggang kailan ibabaon ang sarili sa sadlak ng kabaliwan?
Ano ba ang dapat panigan, damdamin ba o isipan?
Isang mapanlinlang na lugar (tama ba?) sa mundo ang social networking sites.
May mga taong biglang nagiging ‘single’, kahit na may 3 anak na sila. Meron ding nagiging ‘in a relationship’ pero kahit ibenta ang sarili ay malabong sagutin.
Pero kung may bagay na talagang nakakapanlinlang, un ay ang mga bagay na tinatawag na ‘photos’. ung mga mukhang halimaw ang nagiging parang Celebrity sa Hollywood.
Kaya, BEWARE.
A friendly reminder from (brand name) , (tag line).
“Dati kang seminarista?”
“Bakit di ka tumuloy?”
Ilan lang yan sa mga kadalasang tanong ng mga taong nakakaalam ng secret identity ko. Yes, Im a Seminarian, and Ex-Seminarian. Minsan nakakadadag ng bilib sa sarili kapag sinasabi ng mga tao ung nakaraan, minsan hindi.
Kung ako ang tatanungin, syempre ayoko din naman na umalis ng Bahay ni Kiko. Pero sabi ng mga nakatatandang brader, hindi naman natatapos ang pagiging seminarista kapag lumabas ka na ng seminaryo. Sabi nga, “Once you became a seminarian, you’ll always be a seminarian”. Un nga lang, hindi na tulad ng dati, mas prone sa pagkakasala. (saka na natin pagusapan ang mga pagkakasala, medyo madugo.) Dito mas nasusukat kung talagang mahal mo ang iyong bokasyon sa pagpapari, kasi kahit na nasa labas ka, nasyo pa din ang tatak ng isang seminarista.
kung ako ang tatanungin kung guso ko pang bumalik…
hmmm..
Siguro napanood niyo na ung “X-Men III: The Last Stand”.
Sa huling part ng movie ay pinakita si Magneto, ( ‘Mutant that can control metal through mind’, by that time nawala na ang kanyang mutant abilities ) doon, ipinakita na naglalaro siya ng chess na metal pieces, sinubukan niya na igaaw ang chess pieces gamit ang kanyang abilities kahit alam niang wala na, viola! it moved.
Bakit ko nabanggit ang tungkol dito, may mga instance kasi na napapaisip ako. Na sana nandun pa din ako. well, siguro in time malalaman ko kung saan talaga ako.